Here is an excerpt from J.Victor Villareal's "Papel" - an "operatic monologue" adapted from "Romeo and Juliet." J.Victor, or Jing - directed and wrote the music and libretto for "Papel."
(Pagbukas na ilaw, makikita natin si Julieta, suot ang itim na "traje de boda" na para bagang handa nang makipagniig sa kamatayan. Nainom na niya ang pekeng lason na bigay sa kanya ng kaibigang pari. Ang buong akala ng pamilya niya ay patay na siya. Kasama ito sa kanyang plano. Magpapanggap siyang patay nang sa ganoon, pagdating ng takdang oras nga kanyang pagkagising, masisilayan na niya ang asawa niyang si Romeo.
Sa kanyan pagkakahimbing, sa malamig niyang kama, nagbabakasakalin si Romeo ay dumating. Ang buong dula ay magaganap sa kadiliman ng kanyang bangungot. Naghihintay.)
Julietta:
Ngayong gabi'y kasiping ko ang mga talang nananabik
Sa init nga mga yakap mo't halik
Nadadama ang init ng 'yong pagsintang walang kupas na nananaig
Kapiling ko ang liwanag na hiram ng aking munting daigdig
Mula sa makapangyarihan mong langit
Maghihintay sa 'yong pagbabalik
Nananabik sa 'yong mga halik
Guhit ng Tadhana'y walang saysay sa akin
Ang makapiling ka ang siya lamang hinaing
Kulayan ang aking mundo ng iyong ilaw
Upang sa 'king paglalakbay ay huwag maligaw
Kasiping ang mga tala ngayong gabi
Sana ikaw na ay magbalik
Nananabik
Nananabik
Nananabik
No comments:
Post a Comment